Bakit Mahalaga ang xerum 3.0 Probiotics para sa mga alagang baboy at iba pang mga hayop?
Pamilyar ka na siguro sa halaga ng probiotics para sa digestive at immune system ng mga tao. Pero, alam mo ba na ang probiotics ay pwedeng ring makatulong sa pagpapalaki ng katawan at pagpapabuti ng kalusugan ng mga alagang baboy at iba pang mga hayop?
May mga probiotics o good bacteria na kadalasang ginagamit sa pagpapalaki ng mga baboy bilang isang ingredient sa mga pagkain o supplement. Ang Bacillus Lactobacillus, Bifidobacterium, Enterococcus, at yeast ay mga karaniwang probiotics na idinadagdag sa mga produktong pangkalusugan. Alinman ang piliin sa kanila, ang mga good bacteria na ito ay makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan at resistensya ng iyong mga baboy na alaga at iba pang mga hayop.
At dahil diyan, maaaring ngayon na ang tamang pagkakataon para simulan ang probiotics para sa iyong livestock. Basahin para malaman kung ano ang mga benepisyo ng probiotics sa iyong mga alagang hayop.
Paano Ba Gumagana ang Probiotics sa Mga alagang hayop?
Pamilyar na siguro sa karamihan ang konsepto ng bad bacteria at good bacteria, at dito pumapasok ang probiotics. Kung ang bad bacteria ay pwedeng magdulot ng mga sakit at infection, ang epekto naman ng good bacteria ay ang kabaliktaran nito.
Ang probiotics ay naging paksa ng maraming pananaliksik dahil sa ambag nito sa kalusugan ng mga tao at mga hayop. Ang probiotics ay tinaguriang “good bacteria” dahil nagbibigay ito ng maraming benefits katulad ng:
- Pagpapadali sa pag-absorb ng nutrients sa katawan: Ayon sa isang pag-aaral, ang probiotics ay tumutulong sa pag-convert ng mga protina at simple sugar. Nagiging mas maliit na molecules ang mga ito, at dahil diyan mas madali silang ma-absorb ng katawan ng mga baboy at iba pang mga hayop.
- Ang resulta: Mas maayos nilang magagamit ang mga bitamina at sustansya na kanilang natatanggap. Lumalaki din silang mas malusog at matatag. Bukod pa dito, ang probiotics ay tumutulong sa pagpapalago ng feed efficiency by up to 6%, kaya sigurado kang laging may gana ang iyong mga alaga at tuloy-tuloy ang kanilang paglaki at paglakas.
- Pagtulong laban sa mga sakit: Tumutulong rin ang probiotics sa pagpigil ng mga sakit na nakakaapekto sa tiyan at digestive system ng mga baboy, katulad ng diarrhea.
- Pinipigilan ng probiotics ang pagdikit ng mga masamang mikrobyo sa ibabaw ng epithelial lining ng bituka. Dahil dito, nababawasan ang bilang ng mga bad bacteria na nasa katawan ng mga hayop at unti-unti silang lumalakas at nakakaiwas sa sakit.
- Pagpapalakas ng resistensya: Kagaya sa katawan ng mga tao, ang mga tiyan o gut ng mga baboy at mga hayop ay gumagana bilang depensa laban sa sakit.
- Kapag nakakakuha ng sapat na probiotics mula sa kanilang pagkain, lumalakas ang kanilang tiyan o gut, at nagiging mas matibay ang resistensya ng mga ito laban sa sakit.
- Pagpapabuti sa paglaki ng mga baboy at hayop: Ayon sa isa pang pag-aaral, ang pagdagdag ng probiotics na may Bacillus na strain ay nagresulta sa mas malusog na mga hayop. Ito ay pruweba na makakatulong talaga ang probiotics, anuman ang edad ng iyong mga alaga.
Our D.I.Y ingredients livelihood product:
xerum 3.0 Probiotics + Prebiotics + Herbs Ingredients
xerum 3.0 token immunity product for multiple use-cases
Beneficial Alive Good Bacteria, the friendly Organic Microorganisms
Para sa Babuyan/Poultry na walang amoy!
*Mabilis bumigat ang timbang at lumaki
*Mabisa at matipid
*Kills bad bacteria
*Pinipigilan ang paglago ng mga pathogens
*Anti-Bacterial
*Pets Care
Mabisa ring gamit para sa……..
*Odor control
*Waste management systems
*Hydrophonics systems
*PH level enhancer
*Seed coating
*Plant Booster
*Soil conditioning
Powered by: Nature’sGOLD ~ xerum3.0 Solana SPL token
Explorer: Click here
Likes us in facebook: Nature’sGOLD -Probiotics